SA pamamagitan ng Department of Health (DOH), ang Pilipinas ay nakakuha ng bagong Guinness World Record para sa pinakamalaking imahe ng baga ng tao na isinagawa sa lungsod ng Maynila sa World Tuberculosis Day noong Sabado, Marso 16, 2024.
Kasama ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan si Health Secretary Ted Herbosa kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon sa pag-break ng world record.
Bukod sa world record, ginagawa rin ito para magkaroon ng kamalayan tungkol sa tuberculosis at para matanggal ang stigma na nakapaligid dito.
Ang proyekto ay pinangunahan ng DOH, sa pakikipagtulungan ng lungsod, United States Agency for International Development (USAID), World Health Organization (WHO), at Philippine Business for Social Progress (PBSP).