WPS issue, isang propanda ng US vs China—Mayor Baste

WPS issue, isang propanda ng US vs China—Mayor Baste

SINABI ni Davao City Mayor Baste Duterte na isang propaganda lang ng Estados Unidos ang pinapalaking isyu ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa Hakbang ng MAISUG Rally na ginanap sa Tagum City, Davao del Norte nitong Abril 14, 2024, sinabi pa ng Davao City Mayor na hinahanapan lang ng Estados Unidos ng problema ang WPS dahil isang trade route ito ng China papuntang Indian at Atlantic Ocean.

Posibleng ninanais aniya ng Estados Unidos na sirain ang rutang ito.

Maaari ding kahihinatnan nito kung magpapatuloy ani Mayor Baste ay madadamay ang Pilipinas sa magiging giyera sa pagitan ng Estados Unidos at China.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble