NAIBALIK na sa Google Maps ang ‘West Philippine Sea’ label na makikita sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Mapapansin na noong Abril 30 ay bigla itong mawala dahil sa technical issue.
Tanging makikita na lamang noong nakaraan ay ang pangalang Scarborough Shoal kapag na-zoom in ang lugar.
Ang Scarborough ay isang fishing ground na nasa loob ng 200 nautical miles na Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Samantala, Abril 14 nang unang makita sa Google Maps ang ‘WPS’ na label.