Yellow Alert, nakataas sa Visayas grid dahil sa manipis na reserbang kuryente

Yellow Alert, nakataas sa Visayas grid dahil sa manipis na reserbang kuryente

ISINAILALIM muli nitong Miyerkules sa Yellow Alert ang Visayas grid ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Kasunod ito ng manipis na reserbang kuryente.

Ayon sa NGCP, nasa higit 2,900 megawatts ang available capacity habang nasa higit 2,600 megawatts naman ang peak demand.

Nagsimula namang umiral ang Yellow Alert alas-dos hanggang alas-kwatro ng hapon at muling umiral alas-sais ng gabi na nagtagal hanggang alas-otso ng gabi.

Bahagyang nabawas ang haba ng Yellow Alert matapos gumana ang Cebu Energy Development Corporation Unit 1 at Panay Diesel 1-3.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble