“You are there, you are where, you are intended to be by God exactly where you are”—Pastor Apollo kay VP Sara

“You are there, you are where, you are intended to be by God exactly where you are”—Pastor Apollo kay VP Sara

IPINAABOT ni Vice President Inday Sara Duterte sa kaniyang pagdalo sa “Pasasalamat kay PRRD” sa Hong Kong ang taus-puso niyang pagpapasalamat sa kabutihan ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ibinahagi ni VP Sara ang napag-usapan nila ng Butihing Pastor noong dinalaw niya ito sa ospital.

Ikunuwento ni VP na sinabi sa kaniya ni Pastor Apollo na kung hindi siya nakulong, na-oppressed, pinahirapan, hindi aniya nito maisip na tumakbo para tumulong sa mga nakakulong, pinapahirapan at mga na-oppressed.

Sinabi aniya ni Pastor Apollo sa kaniya na tama lang na nangyari ang lahat dahil naliwanagan ang Butihing Pastor at napaabot sa kaniya ang mensahe na kailangan niyang tumakbo bilang senador para tumulong sa mga nahihirapan at pinapahirapan.

“Sabi niya sa akin. Ikaw kahit anuman ang sabihin nila, sabihin man nila na kasalanan mo ang lahat ng ito, Inday Sara, sabihin man nila na kasalanan mo ito dahil hindi ka tumakbong pangulo pero sabi niya sa akin, ganito ang nangyari sa buhay ko sabi niya, Inday Sara ganyan din nangyari sa buhay mo dahil hindi pwede na ikaw ang mauna at sila ang sumunod dahil wala nang katapusan, dapat sila ang mauna at ikaw ang sumunod, para matigil na at hindi na paulit- ulit ang kahirapan sa ating bayan,” pagkukuwento ni VP Sara.

“Kaya noong sinabi niya sa akin iyon, hindi na masyadong masakit. Masakit pa rin sa akin ‘pag nakakarinig ako na kasalanan mo ‘yan lahat Inday Sara pero iniisip ko na lang, naku sinabihan ako ni Pastor Quiboloy, you are there, you are where, you are intended to be by God exactly where you are?” dagdag pa ng VP.

“Makinig tayo kay Pastor Apollo Quiboloy dahil siya ang araw-araw na nagbabasa ng Bibliya, siya ang nakakaalam by heart kung ano ang salita ng Diyos,” ayon pa sa pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble