NAGHAHANDA na sina Yugyeom ng GOT7, Taemin ng Shinee at Hyoyeon ng Girls’ Generation para sa K-MAGIC LIVE na gaganapin sa Pilipinas.
Ayon naman sa inilabas na rate ng Octo Arts, nagkakahalaga ang mga ticket mula P2,800-P10,800.
Gaganapin ang K-MAGIC LIVE sa Oktubre 13, 2023 sa Mall of Asia (MOA) Arena.
Samantala, spotted ang K-pop girl group na Aespa sa “Born Pink World Tour” ng Blackpink sa Gocheok Sky Dome Seoul, South Korea.
Proud naman ang fans ng Aespa dahil kahit pagod matapos sa kanilang concert sa Estados Unidos ay nagawa pa rin nilang manood sa concert ng Blackpink.
Hanga rin ang fans nito dahil sa commitment at amazing stamina ng Aespa.