Zero crime incidents, naitala sa ilang munisipalidad sa CAR

Zero crime incidents, naitala sa ilang munisipalidad sa CAR

NAITALA ang zero crime incidents sa 69 na munisipalidad sa rehiyon ng Cordillera Administrative Region (CAR) mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1, 2023.

Halos lahat ng munisipalidad maliban sa isa sa Abra ay zero crime na, 6 sa 7 munisipalidad sa Apayao, 10 sa 13 na musipalidad sa Benguet, 9 sa 10 munisipalidad sa Mountain Province at 7 munisipalidad ng Kalinga.

Nakapagtala rin ng zero crime ang 7 police stations mula sa 10 estasyon ng pulisya sa siyudad ng Baguio.

Ayon kay Cordillera Regional Director Brig. David Peredo, Jr., kapansin-pansin ang pag-unlad ng peace and order sa rehiyon lalo na sa Abra na kilalang magulong lugar kapag panahon ng lokal at pambansang halalan.

Tiniyak naman ng provincial police office na nananatiling nakaalerto sa pagpatutupad ng seguridad ang kanilang hanay sa papalapit na Barangay at SK Election (BSKE).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter