Zero crime, target ng NCRPO ngayong Undas 2022

Zero crime, target ng NCRPO ngayong Undas 2022

NAKAHANDA na ang buong hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para tiyakin na walang mangyayaring gulo at krimen sa pagdaraos ng araw ng mga patay sa susunod na buwan.

“Yes, ‘yun pa rin ang instruction ng aming Regional Director (PBGen. Jonnel Estomo) na paigtingin ang pagbabantay sa buong Metro Manila because this can resolve na ang aim talaga is to prevent crime from happening by deploying the maximum police presence sa buong Metro Manila,” ani PLtCol. Dexter Versola, Spokesperson, NCRPO.

Batay sa datos ng PNP, aabot sa 10K personnel ang ipakakalat sa buong Kamaynilaan na magtitiyak na walang karahasan o anumang uri ng kriminalidad ang uusbong sa panahon ng pagninilay-nilay ng mga Pilipino.

“10K police personnel will be deployed all around Metro Manila para paigtingin ang police visibility para sa ating crime prevention strategy at gagamitin lahat ang resources kasama na diyan ang fore multipliers, ang ating mga LGU’s and other agencies. Kasama na rin dito ang AFP, BFP, DOH, para panatilihn lahat ang observance ng social distancing para maiwasan ang paglaganap pa rin ng COVID-19,” pahayag ni PLtCol. Versola.

Sa huli, patuloy ang pakiusap ng mga awtoridad sa publiko na makilahok sa mga ipinatutupad na batas at mga panuntunan lalo sa oras ng pagdagsa ng mga tao sa iba’t ibang pampubliko at pribadong sementeryo sa Kalakhang Maynila.

“Paalala lang natin sa publiko na palaging mag-ingat pagpunta sa ating mga sementeryo, dapat magdala sila ng protective gears laban sa weather, magdala ng payong, o kaya ay pamaypay anuman ang maging weather sa pagdating ng Undas, magdala rin ng tubig, pagkain at magdala na rin trash bags para mapanatili nating malinis ang cemetery o columbarium natin na ating bibisitahin. Ating pinagbabawal naman ay huwag magdala ng mga gamit pangsugal, huwag magdala ng loud speakers, bawal din ang bladed weapons, para mapanatili ang solemnity ng ating observance ngayong Undas,” dagdag ni PLtCol. Versola.

 

Follow SMNI News on Twitter