Zero remittance week ng mga OFW, isang simbolo ng protesta sa ginawa kay FPRRD —Atty. Panelo

Zero remittance week ng mga OFW, isang simbolo ng protesta sa ginawa kay FPRRD —Atty. Panelo

MAITUTURING na isang sakripisyo para kay dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang hindi pagpapadala ng remittance ng mga OFW sa kanilang mga mahal sa buhay dahil sa matinding pagkadismaya sa pamahalaan.

Ito’y kaugnay sa iligal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagsuko sa kanya sa International Criminal Court (ICC) sa the Hague, Netherlands mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan.

‘’It’s a sign of protest sa ginawa ng pamahalaan sa iligal na pag-aresto o kaya’y pag detain at pag-kidnap, pero ang pinakamahalaga talaga yung pagsuko ng soberentiya ng bansa. ‘Yun iyon eh kaya magandang pagpapahayag ng kanilang damdamin. Isasakripisyo muna ang hindi pagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya,’’ ayon kay Atty. Salvador Panelo.

Samantala, ito naman ang tugon ni Atty. Panelo sa naging reaksyon ng kasalukuyang Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa isyu ng zero remittance week na isasagawa ng mga OFW.

‘‘Well, this congress can always do that. Pero hindi nila gagawin iyon. Hindi nila gagawin iyon. Alam nila ang damdamin ng mga OFW,’’ saad ni Panelo

Kasama iyon sa expression ng isang mamamayan.

Nagbabala si Enrile sa posibleng kahihinatnan ng isasagawang zero remittance ng mga OFW – pwede raw’ng bawiin ng Kongreso ang kanilang tax privileges habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Pinaplano ng mga OFW, partikular na sa Europa, na magsagawa ng zero remittance na magsisimula sa mismong araw ng kaarawan ni dating Pangulong Duterte at magtatagal ito ng isang linggo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble