BINIGYANG-diin ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na maituturing na isang sakripisyo ang hindi pagpapadala ng remittance ng mga OFW sa kanilang mga mahal sa buhay dahil sa matinding pagkadismaya sa pamahalaan.
Ito’y kaugnay sa ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at pagsuko sa kaniya sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands mahigit dalawang linggo na ang nakararaan.
Samantala, may reaksiyon naman si Atty. Panelo sa pahayag ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa isyu ng zero remittance week na isasagawa ng mga OFW.
Sinabi na ng mga OFW partikular na sa Europa na magkakaroon sila ng Zero Remittance Week.
Magsisimula ito sa mismong araw ng kaarawan ni dating Pangulong Duterte at magtatagal ng isang linggo.
Follow SMNI News on Rumble