PABOR si Senate President Juan Miguel Zubiri sa panukalang batas na ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps Program (ROTC).
Ayon kay Zubiri isa ito sa mga priority measure ng administrasyong Marcos.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng ROTC program na makakasabay sa modernong digmaan tulad ng cybersecurity.
Samantala, kabilang sina Vice President Sara Duterte at Senator Sherwin Gatchalian sa nagsusulong para sa mandatoryong ROTC.