Isa o dalawang bagyo, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Mayo

Isa o dalawang bagyo, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Mayo

NASA kalagitnaan man tayo ng napakainit na panahon ay inaasahan pa ring may papasok na isa o dalawang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Mayo.

Sa unang scenario ayon sa PAGASA, posibleng lalapit ito sa kapuluan ng bansa bago ito mag-recurve papalayo sa Pilipinas.

Sa ikalawang scenario naman maaari itong mabuo sa silangang bahagi ng Mindanao at tatahakin ang Eastern Visayas, Bicol, Mimaropa at Calabarzon bago lumabas malapit sa West Philippine Sea.

Samantala, kaugnay sa mataas na heat index, 53 degrees celsius ang naitala sa PAGASA nitong linggo, April 28 sa iba, Zambales.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble