Kaso ng COVID-19, tataas pa matapos ma-detect ang JN.1 subvariant—DOH

Kaso ng COVID-19, tataas pa matapos ma-detect ang JN.1 subvariant—DOH

INAASAHAN ng Department of Health (DOH) na tataas ang COVID-19 cases sa bansa matapos ma-detect ang Omicron subvariant na JN.1 na naging sanhi na rin ng pagtaas ng mga kaso ng ibang bansa.

Ayon kay DOH Usec. Eric Tayag, 18 na ang naitala na kaso ng JN.1.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Tayag na wala pang surge o pagdami ng hospital admissions kaugnay sa nabanggit na Omicron subvariant.

Wala ring naitatalang severe case ng JN.1.

Nananatili ring epektibo ang COVID-19 vaccines laban sa naturang subvariant kahit pa “highly transmissible” ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble