NAKAPOSISYON na ang ipamamahaging family food packs sa 16 na rehiyon sa bansa.
Sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 1.3-M ang bilang ng nakapre-positioned na food packs.
80-K sa nabanggit na bilang ay nasa Region 1, 2, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, isinailalim ngayon sa state of calamity ang Ilocos Norte dahil sa malubhang baha at malalakas na hangin na kanilang nararanasan dahil sa Bagyong Egay.
Sa isang special session na isinagawa ni Vice Governor Cecilia Araneta-Marcos sa Ilocos Norte, inaprubahan nito ang Resolution No. 2023-07-173 para sa pagdedeklara ng state of calamity sa probinsiya.