ISANG 43-taong gulang na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad sa Gapan, Nueva Ecija nitong nakaraang linggo lamang matapos itong makitaan ng baril at ilegal na droga.
Nahuli ang suspek sa isinagawang checkpoint sa Patubig, Brgy. San Nicolas, Gapan City ang mga tauhan ng Gapan City Police Station (CPS) nang pinahinto nila ang driver ng Yamaha Mio na motorsiklo pero sa halip na huminto ito ay pilit na iniwasan ng driver ang mga pulis at tinangka pang banggain ang isa sa kanila.
Kinilala ang suspek na si Eugenio Navarro residente ng Brgy. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija at nakumpiska sa kaniyang pag-iingat ang isang Cal. 45 pistol at magasin na may limang bala na walang kaukulang dokumento, apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at dalawang knot-tied plastic packs na naglalaman din ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 250 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php 1,700,000.00 batay sa standard drug price.
Pinuri din niya ang dedikasyon ng mga tauhan ng Gapan CPS sa kanilang pagseserbisyo.