NAKUHA na ng Galeries Tower Highrisers ang kanilang unang panalo at dahil ito sa kanilang naging game kontra Capital1 Solar Spikers nitong Sabado, Disyembre 7, 2024.
Sa naging laban, 26-24, 25-14, 25-23 ang iskor pabor sa Galeries.
Si Julia Coronel ang Player of the Game dahil sa kaniyang ambag na 10 excellent sets, 9 points, 2 attacks, 2 blocks, at 5 aces.
Samantala, panalo rin ang Cignal HD Spikers sa naging laban nila kontra Nxled Chameleons sa iskor na 25-18, 25-22, 25-23.
Player of the game si Vanie Gandler na nakakuha ng 13 points, 9 attacks, 3 blocks at 1 ace.
Sa kabilang banda, sa fans ng 49th season ng PBA Commissioner’s Cup, panalo ang Northport Batang Pier kontra TNT Tropang Giga sa iskor na 100-95.
Sa sumunod na game, panalo ang Nlex Road Warriors kontra San Miguel Beermen sa iskor na 104-99.