SABAY-sabay na inilunsad ng Office of the Vice President (OVP) ang Programang “PagbaBAGo: a Million Learners and Trees” sa ilang lugar sa bansa.
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na nanguna sa launching sa Cebu noong May 27, 2023, target ng programa na mabigyan ang isang milyong mga mag-aaral ng tig-iisang mga bag na naglalaman ng school supplies at dental kits.
Kasama rin dito ang pagtatanim ng isang milyong puno maging ang promosyon ng family planning sa mga magulang.
Ninanais ni VP Sara na makamit ang layunin ng programa sa loob ng 6 na taon na panunungkulan nito bilang pangalawang pangulo.
Katuwang ng OVP sa programa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Education (DepEd).