Vice President Duterte, binati ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang papalapit na kaarawan

Vice President Duterte, binati ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang papalapit na kaarawan

BINATI ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ si Vice President at Education Secretary Sara Duterte para sa nalalapit na kaarawan nito.

Hiling ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa nalalapit na kaarawan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na magkaroon pa ito ng maraming birthdays at mas gamitin pa siya ng Diyos para sa Pilipinas.

Bago ang kaniyang pangangaral sa live program ng Sounds of Worship nitong Linggo, hindi pinalagpas ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagkakataon na batiin si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kaniyang nalalapit na kaarawan ngayon ika-31 ng Mayo.

Sa kaniyang birthday message, kinilala ni Pastor Apollo si Vice President Duterte na mahalagang tao sa kaniyang buhay at ng Kingdom Nation.

Hiling ng butihing Pastor para kay Vice President Duterte sa kaniyang nalalapit na kaarawan na mas gamitin pa ang pangalawang pangulo ng Diyos para sa bayan.

Maliban sa pagiging Bise Presidente at kalihim ng Department of Education, si Vice President Duterte rin ay nahalal bilang Presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization.

Nagsimula ang kaniyang termino mula 2023 hanggang 2025.

Itinalaga rin si Vice President Duterte bilang co-vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Matatandaan na tinawag din ni Pastor Apollo si Vice President Duterte na isang ‘action woman’ dahil sa mga programa at proyektong ginagawa niyo para sa publiko.

Naniniwala ang butihing Pastor na katulad ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay maiaangat ni Vice President Sara ang pamantayan ng pagiging pangalawang pangulo.

Follow SMNI NEWS in Twitter