TARGET ng motorcycle taxi platform na Move It na magkaroon sila ng isang milyong users ngayong taon.
Kasunod ito sa launching ng kanilang mobile application sa gitna ng laganap na pangangailangan ng transportasyon.
Sa ngayon ay may mahigit 100 libong users pa lang ang platform.
Tiniyak ng Move It na hinding-hindi magka-crash ang kanilang app dahil nakadisenyo ito para makapag-accommodate ng maraming customers.
Cashless naman ang paraan ng pagbabayad dito.