1 miyembro ng CTG nasawi, 1 sugatan sa engkuwentro sa Northern Samar

1 miyembro ng CTG nasawi, 1 sugatan sa engkuwentro sa Northern Samar

UMAGA ng Abril 3, araw ng Miyerkules naka-engkuwentro ng tropa ng 19th Infantry Battalion sa ilalim ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang mga miyembro ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF sa bayan ng Las Navas, Northern Samar.

Nag-ugat ang naturang engkuwentro matapos na magsagawa ng Focused Military Operation ang kasundaluhan dahil sa sumbong ng mga sibilyan na mayroong presensiya ng mga armadong grupo sa kanilang lugar at nangingikil ng pera sa mga residente.

Nangyari ang engkuwentro sa Brgy. Osmeña, Las Navas, Northern Samar at pinaniniwalaan na ang nakasagupa ng militar ay mga myembro ng Sub-Regional Guerilla Unit (SRGU), Sub-Regional Committee (SRC) Emporium, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) na pinamumunuan ng isang Mario Sevillano, alias Durok.

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde.

Patay sa nasabing engkuwentro ang isang NPA habang isa naman ang nahuli at narekober ng mga awtoridad ang dalawang mataas na kalibre ng armas.

Kinilala ang napatay na NPA na si Adel Cabides alias Hipolito at ang sugatan na si Jessie Robinacio alias Tadok.

Kaugnay rito, pinuri naman ng commanding officer ng 19IB na si LtCol. Marvin Maraggun ang naging suporta ng Local Task Force ELCAC ng Las Navas at ang kooperasyon ng komunidad mula sa mga barangay ng Cuenco, Capotoan, at Osmeña dahil sa pagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga rebeldeng grupo.

“The timely information provided by concerned citizens regarding the presence and extortion activities of armed rebels indicates that the community fully realized that they also have a responsibility in solving the problem of insurgency,” saad ni LtCol. Marvin Maraggun, Commanding officer, 19IB, PA.

Habang nagpaabot naman ng pakikiramay sa mga naulila ng napatay na NPA ang commander ng 8th Infantry Division ng Philippine Army na si MGen. Camilo Ligayo.

“We extend our deepest sympathy to the family and friends of the NPA member who was killed. I have ordered the Ground Commander to bring down the body, give him respect, and ensure a decent preparation for his burial before delivering him to his family once we have confirmed his identity,” wika ni MGen. Camilo Ligayo, Commander, 8ID, PA.

Kasabay rito nanawagan naman si MGen. Ligayo sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo na sumuko na. Kasabay ang pangako na tutulungan ng mga sundalo ang mga ito upang sa kanilang pagbabagong buhay.

“We will ensure your safety once you surrender and we assure you that the Army will help you get the necessary assistance that the government offers as you live your life anew,” dagdag ni Ligayo.

Follow SMNI NEWS on Twitter