MAY naitalang isang nasawi habang isa rin ang nasaktan dahil sa Bagyong Betty.
Ito ay batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.
Mahigit 77,800 naman ang bilang ng apektadong indibidwal o katumbas ng 21,586 ang naapektuhan ng bagyo.
Higit 2,600 ang pansamantalang sumisilong sa 42 na evacuation center.
May naitala ring pinsala sa imprastruktura na tinatayang nagkakahalaga ng higit P68,600 habang P25-K naman sa agrikultura.