ISA ang patay sa pagtama ng malakas na lindol sa La Trinidad, Benguet.
Sa ipinadalang mensahe sa SMNI News ni Police Captain Marnie Abellanida, isang Aron Cul-iteng ang biktima sa boarder ng gumuhong gusali.
Sinubukan pang isugod sa Benguet General Hospital ang bikitma.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.