MALNOURISH ang 1 sa kada apat na bata sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Isa sa kada bawat apat na batang Pilipino ang bansot o pandak sa bansa dahil sa malnutrisyon.
Bagay na gusto nang mahinto ng Marcos administration.
Ngayong araw inilunsad ang Philippine Plan of Action for Nutrition 2023-2028 na layon ay tugunan ang problema sa malnutrisyon.
Ayon kay Jovita Raval, Deputy Executive Director for Technical Services ng National Nutrition Council, layon ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028 na tugunan ang problema sa malnutrition.
Giit nito na hindi lamang ang usapin ng pagkabansot dulot ng kakulangan sa nutrisyon ang tinutugunan ng programa kundi maging ang obesity sa adult na mga Pilipino.
Sa latest report, nasa 26.4% ang mga batang edad 5 pababa ang bansot habang patuloy rin na tumataas ang bilang ng mga overweight at obese sa bansa.
Ayon sa mga ahensiya ng gobyerno, magiging malaki ang kailangang partisipasyon ng mga LGU.
Ayon kay Health Sec. Herbosa, dahil sa malnutrisyon, maaring humina ang human capital ng bansa.
Gusto nitong agad na mabura ang malnutrisyon sa bansa sa susunod na taon.
“May targets tayo diyan ano. Like for example ide-decrease per year level. Pero I’m hoping na ma-zero talaga. In fact nakita ko nga ‘yung sa NEDA, with the Philippine Development Plan, parang ang tagal naman niyan. Para sa akin I’m more in a hurry kasi doctor ako eh. Immediately zero kaagad by next year ‘yung ating mga batang stunted at wasted para talaga ma-feel natin ‘yung benefits ng nutrition plan,” pahayag ni Sec. Ted Herbosa, DOH.
Sec. Ted Herbosa, gustong agad matamo ang zero malnutrition sa bansa sa susunod na taon
Giit nito, posible ang zero malnutrition dahil sa food stamp ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), day care feeding program at iba pang programa ng pamahalaan.
“Food stamp, meron na tayong day care feeding. Meron na tayong school age feeding, meron na rin tayong… And I saw other countries nga like ‘yung kinekwento ko na Costa Rica nga which is not rich pero nakapagpaganda sila ng nutrition ng kanilang mamamayan. And their people live up to 80 a hundred. So very important, kaya natin ‘yan siguro. And then ‘yung mga bad habits natin masala. ‘Yung junk food, ‘yung salty, sugar,” wika ni Sec. Ted Herbosa, Department of Health.
Samantala, ilan sa nakapaloob sa action plan ng gobyerno ay ang advertisement sa social media para sa mga unhealthy food.
“Yes it’s included there in fact andudun ‘yung. Number one ang isang iniisip is to put the nutritional value of food sa food labelling, that’s one legislation that’s on the floor. Another one is really to tax sweetened beverages kaso nandun yung direction and everything. And then ‘yung salt content, meron na tayong transfat, inalis na ’yung transfat. I think for processed foods, DTI can help us with the way we can control eating. Pero the key education talaga. Ma-educate ‘yung mga tao on what is nutritious, healthy eating habits,” ani Herbosa.