1-year state of calamity, tinawag na ‘illogical knee-jerk response’

1-year state of calamity, tinawag na ‘illogical knee-jerk response’

TINAWAG ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na ‘illogical knee-jerk response’ o hindi pinag-isipan ang mungkahi ng NDRRMC na isalang sa state of calamity ng isang taon ang Pilipinas.

Saad ni Chua, mali ang mungkahi dahil hindi naman buong Pilipinas ang apektado ng nagdaang Bagyong Paeng.

Nauna nang sinabi ng NDRRMC na ang suhestiyon ay para magamit ang calamity fund ng bawat LGU na tinamaan at tatamaan pa ng kalamidad.

Ngunit para kay Chua, mali ang mungkahi ng council at mali aniya ang kanilang assumption.

Sa halip, panawagan ni Chua sa Kongreso na ipasa na lamang ang Department of Disaster Resilience Bill at sabay banggit na tama ang naging pasya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibasura ang proposal ng NDRRMC.

‘’The House has been approving DDR bills those bills are later met by stiff but baseless opposition,’’ saad ng mambabatas.

Follow SMNI NEWS in Twitter