SAMPUNG karagdagang barangay sa Parang, Sulu ang opisyal na idineklara na mga Gun-Free Zone at Peace-Centered Communities nitong Enero 23, sa pangunguna ni Mayor Alkhadar T. Loong. Kasama sa mga barangay ang Poblacion, Buton, Tumangas, Kanaway, Lagasan Higad, Lumbaan Mahaba, Tainting, Nonokan, Liang, at Laum Suwah.
Layunin ng deklarasyon na palakasin ang kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon.