10 indibidwal mula Bacolod City, tumanggap ng tig-P15K livelihood grant sa OVP

10 indibidwal mula Bacolod City, tumanggap ng tig-P15K livelihood grant sa OVP

TUMANGGAP ng tig-P15K na livelihood grant mula sa Office of the Vice President (OVP) – Panay and Negros Islands Satellite Office ang 10 indibidwal mula sa Bacolod City.

Ito ay sa pamamagitan ng Mag negosyo Ta Day (MTD) ng OVP.

Ayon sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte, bawat isa ay may existing business tulad ng sari-sari store, vegetable vending, at milk tea, at snack house.

Sa tulong anila ng programang MTD ay nabigyan ang mga beneficiary ng karagdagang puhunan para mas mapalawak at mapaunlad pa ang kanilang mga negosyo.

Ang MTD ay isa sa mga flagship program ng OVP na may layuning magbigay ng entrepreneurial opportunities sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors.

Follow SMNI NEWS on Twitter