NASA 98.74 percent na o katumbas ng 941 na ang nakapagsumite ng courtesy resignation mula sa 951 3rd level officers ng Philippine National Police (PNP) na bilang nito sa bansa.
Ibig sabihin, nasa 10 na lamang ang hindi pa rin tumutugon sa panawagan na ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na kumpiyansa siyang tutugon dito ang mga kapulisan para patunayang wala silang kinalaman sa iligal na droga.
May hanggang January 31 na lamang ang mga opisyal ng PNP para sa kanilang pagsusumite ng courtesy resignation.