10 rebelde sa Bukidnon, benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day ng OVP

10 rebelde sa Bukidnon, benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day ng OVP

SAMPUNG dating mga rebelde sa Malaybalay City, Bukidnon ang latest beneficiaries ng ‘Mag Negosyo Ta ‘Day program (MTD)’ ng Office of the Vice President (OVP).

Sa pamamagitan ng OVP – Davao Satellite Office, ang bawat isa sa kanila ay tumanggap ng tig-P15,000 upang makapagsimula ng negosyo sa poultry at egg production.

Ayon sa commanding general ng 403rd IB na si Brigadier General Michelle B. Anayron, Jr., ang programang ito ay magiging susi upang magkaroon sila ng bagong pag-asa at sustainable na panghanap-buhay sa hinaharap.