HINDI tinututulan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang paghain ng Certificate of Candidacy (COC) ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa 2025 senatorial elections.
Paliwanag ni Escudero, na isang ring abogado, may kalayaan si Pastor Apollo na maghain ng kaniyang kandidatura sapagkat walang batas na nagpipigil sa kaniya na gumawa nito.
Ipinunto rin ng mambabatas na hindi naman convicted sa mga kasong kinakaharap si Pastor Apollo para ma-disqualified sa halalan.
Sinabi rin ni Escudero na bagamat kasama sa mga penalty sa kaso ni Pastor Apollo ang absolute disqualification ay puwede pa rin siyang tumakbo dahil wala pang pinal na desisyon mula sa korte.