NAKAKULONG at nahaharap sa pagkakatanggal sa serbisyo ang 10 tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Dahil ito sa umano’y pangingikil nila ng P18 milyon mula sa isang dayuhan at dalawang Pilipino na kanilang inaresto.
Ang pagpapaaresto naman ay nangyari noong February 17 sa Tondo, Maynila dahil sa umano’y illegal possession of firearms.
Ang 10 pulis ay mula sa Southern Metro Manila District Field Unit.