100 percent nang nakumpleto ang overhauling sa 72 bagon ng Metro Rail Transit (MRT-3) noong Enero 31, 2023.
Ayon sa MRT-3, ang huling na-overhaul na bagon ay tinanggap na para sa revenue service kahapon, Pebrero 2, 2023.
Dahil dito, mapapalawak pa ng linya ang kanilang train capacity sa pamamagitan ng pag-deploy ng available at reliable train sets tuwing peak hours.
Ibig sabihin, maari nang magdeploy ang rail line ng 18-21 train sets tuwing peak hours mula sa dating maximum na 10-15 train sets. 72 bagon
Tiniyak naman ng MRT-3 na sumailalim sa serye ng quality at safety checks ang mga na-overhaul na bagon ay sumailalim sa serye ng quality at safety checks upang masiguro ang maayos na kondisyon at ligtas itong gamitin ng mga pasahero.