1,000 pamilya sa Taguig, binigyan ng pang-Noche Buena ng isang Korean Foundation

1,000 pamilya sa Taguig, binigyan ng pang-Noche Buena ng isang Korean Foundation

ISANG araw na puno ng saya at sorpresa ang handog ng isang Korean foundation para sa mga kababayan sa Taguig City nitong Biyernes ng umaga, Disyembre 15, 2023.

Katuwang ang kapulisan ng Taguig, namahagi ang Always With Us (AWU) Foundation ng mga pang-Noche Buena para sa higit isang libong pamilya mula sa 28 barangay ng Taguig.

Nasa kabuuang 5,000 kilogram ng bigas din ang kanilang ipinamahagi.

“To all Filipinos just as our foundation’s name AWU, Always With Us, we will always be with you and providing you and helping you with the different aspects of your life,” ayon kay Seungchan Lee, President, AWU Foundation.

“Hopefully makatulong ‘yung ibinibigay ng ating business partner, ‘yung AWU, Always With Us Foundation para mai-augment po ‘yung buhay natin. And of course sana maligaya Pasko natin, masagana for the incoming year,” ayon kay PCol. Robert Baesa, Chief of Police, Taguig City.

Ilang piling college student sa Taguig, nabiyayaan ng tig-P10-K mula sa AWU Foundation

Ilang college students naman ang nabiyayaan ng tig-P10,000 financial assistance.

Ito ang pinakaunang batch ng scholarship program ng AWU Foundation.

Anila, mas palalawakin pa nila ang programa sa 2024.

“Since this is our first donation of scholarships and this is our first event for the scholarship, the amount and the students are quite low. It’s P10,000 per student. But in our future donations, we will have more students and bigger scholarships,” ayon kay Seung Chan Lee.

Pinaabot naman ng mga estudyante ang kanilang pasasalamat sa financial assistance na ibinigay ng AWU Foundation.

“Thank you sa AWU Foundation dahil nabigyan kami ng opportunity gaya nito para po maging tulong sa amin mga estudyante,” ayon kay Angelo Salgado, 3rd Year College, Taguig City University.

“Thank you very po to the big boss, to the CEO. Thank you very much. Kamsahamnida,” ayon kay Ellyn Kaye Biado,1st Year College, Our Lady of Guadalupe Colleges.

Pagpapatayo ng 1-K condo units na parerentahan sa kalahating presyo, tututukan ng AWU Foundation sa 2024

Para sa 2024, tuluy-tuloy ang pagtulong ng AWU Foundation sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Tututukan nila ang pagpapatayo ng mga condo units na parerentahan sa mga mahihirap na pamilya.

“The biggest project that we’ll be doing for next year would be developing 1,000 room condo and this will be prioritized to be rented in the very low cost to the low-income families,” ani Lee.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble