PORMAL nang umupo si Colonel Patricio Ruben Amata bilang bagong commander ng 1002nd Infantry Brigade.
Ang change of command ceremony ay ginawa sa 1002nd Brigade Headquarters sa Brgy. Malandag, Malungon, Sarangani na pinangunahan ni 10th Infantry Division Commander Major General Jose Eriel Niembra.
Pinalitan ni Amata si Colonel Apollo Jun Lamaton.
Bago nito, si Amata ay nagsilbing Assistant Chief of Staff for Civil-Military Operations, G7 ng Philippine Army mula Disyembre 2018 – Enero 2023.
Pinaalalahanan ni Niembra si Amata na tiyakin na natutupad nang husto ang kanilang priority thrust at ipagpatuloy ang mga magandang nagawa ng mga naunang brigade commander.