UMABOT sa 1,031 applicants ang nakapasa sa Cadet Admission Test (CAT) para sa taong 2023.
Ito ang inanunsiyo ng Philippine National Police Academy (PNPA) mula sa mahigit na 37,000 kwalipikadong kumuha ng CAT noong Agosto 6.
Isinagawa ang CAT sa 37 testing centers, kung saan 73.33 porsiyento ng mga nakapasa ay mga lalaki, at 26.67 porsiyento ang mga babae.
Nasa 4.06 porsiyento ang passing rate na bahagyang mababa ngunit pasok pa rin sa 5 year average.
Matapos makapasa, susunod na ang Selection and Admission Process na magsisimula sa unang bahagi ng 2024.
Agad nagpaabot ng pagbati si PNPA acting director Police Brigadier General Samuel Nacion sa mga nagtagumpay sa CAT at hinikayat na ihanda ang kanilang sarili sa pisikal at ang kanilang isip.