NLEX sa mga motorista: Maghanda sa pagbigat ng trapiko sa opening ng FIBA World Cup

NLEX sa mga motorista: Maghanda sa pagbigat ng trapiko sa opening ng FIBA World Cup

NAG-abiso na ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa inaasahang pagbigat ng trapiko sa ilang bahagi ng expressway dahil sa pagsisimula ng FIBA World Cup sa Philippine Arena sa Biyernes, Agosto 25.

Sa Facebook post ng NLEX Corporation, partikular na makararanas ng pagsikip ng trapiko ang patungo ng Bocaue/Santa Maria.

Dahil dito, pinapayuhan na ang mga motoristang maglaan ng mas maraming oras kung hindi maiiwasang bumiyahe sa Biyernes.

Maaari ding dumaan sa mga alternatibong ruta o mag-exit sa Marilao, Bocaue o Tambubong.

Magpapatupad din ng truck ban sa ilang piling munisipalidad.

Para naman sa mga ticket holder o mga manonood ng FIBA World Cup, pinadadaan ang mga ito sa Ciudad de Victoria exit na 100% RFID Plaza at walang cash lane.

Tiniyak din ng NLEX na may mga ide-deploy itong traffic personnel sa strategic areas para umalalay sa mga motorista.

Kahapon ng Martes ay unti-unti nang nagdatingan sa Pilipinas ang ilan sa magagaling na basketbolista sa buong mundo para sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup.

Kabilang sa mga dumating ay ang mga manlalaro mula sa team ng USA, Puerto Rico, Italy, Serbia, at New Zealand.

Habang darating pa ang ibang koponan, araw ng Miyerkules para sa FIBA World Cup na magsisimula sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Matatandaan, una nang idineklara ng Malacañang na walang pasok ang lahat ng level sa public schools at government offices sa buong Metro Manila at Bulacan para sa mas ligtas at matiwasay na pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup.

At ipinapaubaya naman sa private sector ang desisyon kaugnay sa suspension ng kanilang trabaho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble