12 katao, na-trap sa elevator sa isang gusali sa San Juan City, nailigtas ng BFP

12 katao, na-trap sa elevator sa isang gusali sa San Juan City, nailigtas ng BFP

NASAGIP ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang 12 katao na na-trap sa loob ng elevator ng mahigit isang oras sa isang condominium sa San Juan City nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat ng BFP, ang 12 katao ay galing sa basketball court ng gusali nang mag-malfunction ang elevator na kanilang sinasakyan.

Maswerte namang may signal sa loob ng elevator at nagawa nilang makahingi ng tulong mula sa kasamahan nilang nasa labas na ng building.

Ayon sa BFP, posibleng overloading ang dahilan ng pag-malfunction ng elevator.

 

Follow SMNI News on Twitter