12 tauhan ng PNP-SAF, tutulong sa rescue operations sa nawawalang eroplano sa Isabela

12 tauhan ng PNP-SAF, tutulong sa rescue operations sa nawawalang eroplano sa Isabela

SASAMA na rin ang PNP Special Action Force (SAF) sa search and rescue operations sa nawawalang Cessna 206 sa Isabela.

Nakatakdang lumipad ang grupo gamit ang eroplano habang isang grupo pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang magbibiyahe sa karagatan para sa nasabing operasyon.

Ayon sa pinuno ng Isabela Incident Management Team Atty. Constante Foronda, inaasahang makatutulong ang augmentation force na ito para sa mas mabilis na pagtukoy sa kinaroroonan ng nawawalang eroplano at ng mga sakay nito.

Tanging hinihintay lang dito ang maayos na panahon lalo na sa pagtawid at pagtungo sa Sierra Madre gamit ang eroplano.

Nauna inamin ni Foronda na hindi makalipad ang mga sasakyang pamhimpapawid at ilang drone ng Philippine Air Force dahil sa sama ng panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter