BUONG suporta ang ibibigay ngayon ng Department of Transportation (DOTr) sa mga tripulante na COVID-19 positive.
Nabatid na ang mga nasabing tripulante ay naglayag galing India noong Abril 22,at dumating sa Vietnam noong Mayo 1 sakay ng barkong MV Athens Bridge.
Kasama ng DOTr sa pagsuporta ay ang Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), at ang Philippine Coast Guard (PCG).
Agad nagsagawa ng RT-PCR test para sa mga crew at kalaunan ay napag-alaman na 12 sa mga ito ay nagpositbo sa COVID-19.
Kagabi, binigyan na nang sampung oxygen tanks ang mga crew upang kanilang magamit.
Naibaba naman ang dalawang critical na tripolante ng nasabing barko pagkatapos humingi ng rescue ang kapitan ng barko para sa urgent medical evacuation.
Ang nasabing barko ay nasa 12 nautical miles west ng Corregidor Island.
Nakaantabay naman ang PCG katuwang ang mga agency ng mga crew sakali mang na magkaroon ulit ng emergency.
Patuloy naman ang ginagawang pagmo-monitor sa mga iba pang crew na naka-onboard sa nasabing barko.
Magpapatuloy ang medical assistance ng sampung crew sa loob ng barko.
(BASAHIN: Mahigit 70 Pilipino sa India, positibo sa COVID-19)