INAASAHANG maraming Indonesians ang uuwi sa kanilang bansa ngayong taon para sa Eid holiday.
Kasunod ito sa pagtanggal ng COVID restrictions ayon sa transportation ministry ng bansa.
Sa taya, posibleng aabot ng 123-M ang Indonesians na bibyahe.
Sa Jakarta, Indonesia, naglaan na ito ng kabuoang 70 tren bawat araw mula sa 63 regular na bilang ng tren para sa buong holiday period.