123 private rural banks, nagsara mula 2012—PDIC

123 private rural banks, nagsara mula 2012—PDIC

MAHIGIT 100 private rural banks ang nagsara sa bansa buhat noong 2012.

Sa datos ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC), nasa 123 private rural banks ang pinatawan nila ng closure and liquidation order matapos malugi.

Kaya ayon kay House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Nonoy Libanan, dapat matulungan ang mga maliliit na bangko sa planong pagsasanib pwersa ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ani Libanan, wala silang hadlang sa minorya sa Kamara sa planong merger basta’t manatili ang credit support ng Land Bank sa small farmers and fisherfolks.

“So long as this obligation to extend low-cost financing to farming and fishing communities is left unimpaired, we won’t get in the way of the proposed combination of the two banks,” ani Libanan.

Bukod dito, nanawagan din si Libanan na panatilihin ng Land Bank ang kanilang pautang sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa mga probinsiya.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na layon ng LBP-DBP merger na maabot ang ‘operating efficiencies’ at ‘cost reductions.’

Sa pagtaya naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno, nasa P4.18-Trillion na assets ang malilikha kung magsasanib-pwersa ang LBP at DBP na magiging pinakamalaking bangko sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter