NAKOMPLETO na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang flood protection structure sa Sindangan-Bayog-Lakewood Road sa Lakewood, Zamboanga del Sur.
Saklaw ng nasabing proyekto ang pagtatayo ng 960-lineal meter na lake wall.
Ayon kay DPWH Region-9 Director Cayamombao D. Dia, ang pagkakompleto ng proyekto ay magpo-protekta sa Sindangan-Bayog-Lakewood Road sa anumang posibleng pagkasira dulot ng water intrusion.
Magiging ligtas din ang pedestrian at motorista sa naturang proyekto na siyang pinakamabilis na ruta na nag-uugnay sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.
Ang proyekto ay pinondohan ng P5-M sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA).
