127 Malaysians na biktima ng human trafficking sa Pilipinas, kinumpirma ng Ministry of Foreign Affairs

127 Malaysians na biktima ng human trafficking sa Pilipinas, kinumpirma ng Ministry of Foreign Affairs

IPINAPAALAM ng Ministry of Foreign Affairs ng Malayisia na matagumpay na natukoy ng Malaysian Embassy sa Manila ang 127 Malaysian citizens na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking sa Pilipinas.

Ayon sa ulat ng anti cybercrime group, mahigit 2,700 na manggagawa ang diumano’y nagtratrabaho ng ilegal sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Las Piñas City kung saan sinasabing may 134 na Malayisan citizens ang kabilang sa nasagip.

Ayon sa Wisma Putra, sisimulan ng lokal na awtoridad ng Pilipinas ang proseso ng deportasyon sa lahat ng biktima kapag nakumpleto na ang proseso ng imbestigasyon at dokumentasyon.

Ang Home Affairs Ministry sa pamamagitan ng Malaysian Embassy sa Manila ay magbibigay ng angkop na tulong sa konsulado upang maiuwi ang lahat ng biktima sa bansa.

Sa ginawang pagbisita ng konsulado sa mga biktima, napag-alamang maayos naman ang kalagayan ng mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter