137 katao, arestado sa pinaigting na kampanya kontra kriminalidad

137 katao, arestado sa pinaigting na kampanya kontra kriminalidad

UMABOT sa 137 katao ang naaresto sa unang araw ng pagpatutupad ng pinaigting na Anti-Criminality Campaign sa ilalim ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr.

Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Police Brigadier Gen. Romeo Caramat, Jr., nagsagawa sila ng 128 operasyon sa buong bansa nitong Abril 25 bilang pagtalima sa direktiba ng PNP chief.

Kabilang sa mga nahuli sa operasyon ang 33 most wanted persons, 65 iba pang wanted persons, 14 nasamsam na iligal na armas, 7 economic saboteurs, at 18 naaresto sa iba’t ibang law enforcement operations.

Habang nakumpiska ang 18 iba’t ibang kalibre ng baril, 2 pampasabog, at P1.9-M halaga ng ebidensiya.

Binigyang-diin ni Brigadier Gen. Caramat na suportado nila ang kampanya kontra kriminalidad ng PNP chief sa pamamagitan ng pagsasagawa ng komprehensibong police operations.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter