14 nasawi, 25 sugatan sa pamamaril sa isang university sa Prague

14 nasawi, 25 sugatan sa pamamaril sa isang university sa Prague

14 ang kumpirmadong nasawi habang nasa 25 naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa loob ng Charles University sa Prague, Czech Republic.

Ayon sa pulisya, ang gunman ay isang 24 anyos na estudyante na kabilang sa mga nasawi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimulang mamaril ang gunman sa Faculty of Arts Building sa Jan Palach Square alas-tres ng hapon, araw ng Huwebes sa Czech Republic time.

Nakatira ang suspek sa labas ng Prague at una nang natuklasan na nasawi ang ama nito.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek sa ginawang pag-atake.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble