NAGTIPON ang mga representante ng iba’t ibang medical institutions sa King Dome, Davao City para sa ika-14 na Mindanao Regional Assembly ng Association of Philippine Medical Colleges-Student Network (APMC-SN), kung saan ang host school ngayong taon ay ang Jose Maria College Foundation Inc. – College of Medicine.
Ginanap ngayong taon ang ika-14 na Mindanao Regional Assembly ng Association of Philippine Medical Colleges sa Davao City na dinaluhan ng mga opisyal, deans ng medical schools at colleges sa Mindanao, kasama ang kanilang mga mag-aaral at faculty members.
Ang APMC-SN o Association of Philippine Medical Colleges – Student Network ay ang student arm o bahagi ng Association of Philippine Medical Colleges (APMC), isang national organization na nagbubuklod sa medical schools sa buong Pilipinas.
Opening ceremonies ng 14th Mindanao Regional Assembly ng APMC-SN dinaluhan ng iba’t ibang medical institution na ginanap sa KOJC King Dome sa Davao City
Kabilang sa mga participating institutions ang:
- Brokenshire College
- Davao Medical School Foundation Inc.
- Liceo de Cagayan University – College of Medicine
- Mindanao State University – Iligan City – College of Medicine
- University of Science and Technology of Southern Philippines – College of Medicine
- University of Southern Mindanao – College of Medicine
- University of Southeastern Philippines – School of Medicine
- Xavier University – Dr. Jose Rizal School of Medicine
- Jose Maria College Foundation Inc. – College of Medicine (host school ngayong taon)
Ayon sa Dean ng College of Medicine ng Jose Maria College Foundation Inc., isang malaking karangalan para sa institusyon ang maging host school ng pagtitipon.
Mensahe at Cultural Presentations
Bilang panimula, nagbigay ng mensahe ang ilang opisyal ng medical institutions para sa Kasadya 2025 na may temang “Building Bridges in Medicine Through Unity and Innovative Solutions.”
Isa rin sa mga nagpaabot ng makabuluhang mensahe ay si Pastor Apollo C. Quiboloy bilang Founding President ng JMCFI – College of Medicine.
Maliban sa magarbong opening ceremonies na ginanap sa KOJC King Dome Plaza, nagkaroon din ng cultural presentations, choral presentation, at dance competitions.
Inaasahan ang mga susunod pang aktibidad para sa Kasadya 2025.
Samantala, nagpasalamat ang ilan sa mga representatives ng participating schools sa mainit na pagtanggap ng JMCFI – College of Medicine.