NAGTAMO ng second-degree burn ang aabot sa 15 mga mangingisda matapos na magliyab ang sinasakyang bangka sa Purok Saeg, Brgy. Calumpang, General Santos City dakong alas sais ng umaga nitong Abril 22.
Sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard at General Santos City Police, naghahanda na ang mga mangingisda para pumalaot sa karagatan ng Mati City, Davao Oriental, nang biglang sumabog ang bangka dahil sa liquefied petroleum gas (LPG) na ginamit nila sa pagluluto.
17 katao ang sakay ng bangka, na karamihan ay nagtamo ng malubhang sugat habang ang iba ay mabilis na nakatalon sa tubig.
Patuloy pang nagpapagaling sa ospital ang mga naaksidenteng mangingisda.