15 toneladang kalabasa, ipinamahagi sa mga residente ng Laguna at Muntinlupa

15 toneladang kalabasa, ipinamahagi sa mga residente ng Laguna at Muntinlupa

UPANG makatulong lalo na ngayong panahon ng pandemya, nagsama-sama ang mga myembro ng Bantay Ko,  Bayan Ko Movement, isang non-government organization na layong tumulong sa mga pamilya at indibidwal na lubhang naapektuhan ng COVID-19.

Lalo pa’t marami pa rin sa mga residente ang hindi nakakabangon dahil sa epekto ng pandemya.

Ngayong araw umabot sa 15 tonelada ng kalabasa ang ipinamahagi ng grupo sa mga residente ng San Pedro at Biñan sa Laguna at sa Muntinlupa.

Bukod sa mga libreng gulay at pagpapakain sa mga benepisyaryo, namigay din ng libreng bitamina para sa mga pamilya upang higit na mapangalagaan ang kalusugan ng marami.

Nauna nang naging inspirasyon ng grupo ang iba ibang mga pag-oorganisa ng community pantry at iba pang pribadong pamimigay ng tulong sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Bagama’t ngayon na halos wala nang ingay ang community pantry sa bansa ay nanatili pa rin ang  bayanihan sa puso ng mga Pilipino para tulungan ang mga kababayang nangangailangan ng tulong.

Kaugnay nito, nauna nang nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi naman ipinagbabawal ang pag-oorganisa ng mga pagbibigay ng tulong sa mga tao pero ang mahalaga anila ay maipatupad pa rin ang tamang koordinasyon sa lokal na pamahalaan para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

(BASAHIN: Pamamahagi ng tulong sa gitna ng pandemya, marami pang paraan maliban sa community pantry —Dr. Herbosa)

SMNI NEWS