MATAGUMPAY na nakatapos ng TESDA Bread Making and Carpentry Training ang labing pitong dating rebelde, na kilala na ngayong mga peace advocates.
Nakatanggap sila ng NC II certificates sa isang seremonya noong Enero 24, sa Guihulngan City, Negros Oriental, at binigyan din ng mga kagamitan sa pagbe-bake upang suportahan ang kanilang bagong hanapbuhay.
Pinangunahan ang programa ng Guihulngan City Task Force to End Local Communist Armed Conflict, sa pakikipagtulungan sa TESDA at 62nd Infantry Battalion.