INANUNSYO ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa toxic red tide ang coastal waters sa labing walong lugar sa bansa.
Dahil dito, nagbabala ang BFAR na hindi ligtas kainin ang anumang shellfish o alamang na makukuha sa coastal waters na positibo sa toxic red tide.
Habang ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta linisin lamang itong maigi bago lutuin at kainin.
Batay sa pinakabagong mga resulta sa laboratoryo na inilabas ng BFAR at Local Government Units (LGU), ang mga shellfish na nakolekta sa Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; tubig sa baybayin ng Dauis
at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; katubigan ng Calubian sa Leyte; Balite
Bay, Mati City sa Davao Oriental; ang Lianga at Bislig Bays.
At ang mga baybaying dagat ng Hinatuan sa Surigao del Sur ay positibo pa rin para sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o nakakalason na red tide na lampas sa limitasyon ng regulasyon.
Bukod dito, sa katubigan ng Daram Island, at Zumarraga, Cambatutay at Villareal Bays sa Western Samar; tubig sa baybayin ng Leyte, Carigara at Ormoc Bays, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; katubigan ng Biliran Island; at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte ay positibo na ngayon para sa PSP.
Hindi naman apektado sa red tide ang baybay-dagat ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan,
at Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal) sa Manila Bay.
Kabilang din dito ang baybayin ng Bolinao, Anda, Alaminos, Sual at Wawa, Bani sa Pangasinan; tubig sa baybayin ng Pampanga; Masinloc Bay sa Zambales; Honda Bay, lungsod ng Puerto Princesa, at baybay-dagat ng Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan; tubig sa baybayin ng Milagros at Mandaon sa Masbate; Sorsogon Bay, at Juag Lagoon, Matnog sa Sorsogon; tubig sa baybayin ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; tubig sa baybayin ng Pilar, Panay, Pangul Roxas, at Roxas City sa Capiz; Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan)
Baybayin ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan; tubig sa baybayin ng E.B. Magalona, Talisay City, Silay City, Bacolod City.
Sa Hinigaran, at Victorias City sa Negros Occidental; Siit Bay, Siaton at Bais Bay, Bais City sa Negros Oriental; San Pedro, Irong-irong
at Maqueda Bays sa Western Samar; tubig sa baybayin ng Guiuan, at Matarinao Bay sa Silangang Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Panguil Bay, Tangub City.
Dagdag pa dito ang coastal waters ng Ozamiz City sa Misamis Occidental; Murcielagos Bay sa Misamis Occidental; Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog sa Camiguin; katubigan ng Nasipit sa Agusan del Norte; sa baybayin ng Cortez sa Surigao del Sur; at Litalit Bay sa Surigao del Norte.