180,000 katao sa Cuba lumikas dahil sa banta ng matinding pagbaha

180,000 katao sa Cuba lumikas dahil sa banta ng matinding pagbaha

LUMIKAS na ang nasa 180,000 katao sa Cuba sa gitna ng banta ng matinding pagbaha dulot ng tropical storm .

Kaugnay nito, nasa tatlong katao ang  nasawi matapos manalasa sa Caribbean Islands si Elsa.

Nagbukas naman ang gobyerno ng Cuba ng matutuluyan ng mga evacuees at nagsagawa  ng hakbang upang maprotektahan ang mga pananim gaya ng  sugarcane at cocoa.

Samantala, nasa 23,000 lamang ang bilang ng mga tumuloy sa government facilities, kung saan karamihan ay pumunta sa kanilang  kamag-anak sa ibang lugar.

 

11 katao sa Cambodia, nasawi matapos nakainom ng rice wine

NASAWI ang labing isang katao sa isang probinsya ng Cambodia matapos nakainom ng rice wine.

Ayon sa ulat, ang labing isang katao na nasawi ay dumalo sa isang lamay sa Kampot Province kung saan nakainom ito ng pinaniniwalaang toxic rice wine.

Maliban pa sa labing isa, may sampu pang dinala sa ospital matapos nakararanas ng matinding pagkahilo at posibleng pagkabulag.

Inihayag ng isang Police Officer na sikat ang rice wine kung may salo-salo sa Cambodia subalit sa kasalukuyan aniya, marami na ang nagsilabasang ulat na nahihilo dahil dito.

Posible aniyang ito ay dahlia sa hindi namomonitor na pagkagawa nito mula sa informal brewers.

Sa loob ng dalawang buwan, mahigit tatlumpu na ang namatay dahil dito.

Labing limang rice wine brewers naman ang inaresto noong nakaraang buwan dahil sa kontaminadong mga rice wine.

 

SMNI  NEWS